Filipino

Showing posts with label Filipino. Show all posts. The posts are listed in chronological order. Click the post title to read more.

Friday, August 7, 2009 in , ,

Review: Christine Bellen's Batang Rizal (PETA)

On September 16, 2007.. Our Filipino teachers made us watch the play about the young Jose Rizal, and teacher made us passed a paper / review on the play.. I did not have time to post this then, because i did'nt have a blog yet, but i found some old papers from my previous classes that i want to share...This paper was passed when i was a second year political science student, i currently a fourth year political science...*I am not a good Tagalog speaker, but i tried my best to make the paper as scholarly as i could...lol..I never thought i could write some deep Filipino Tagalog words...

The Play was entitled "Batang Rizal" by Christine Bellen..The actors and actress that comprised of the play were from PETA (Philippine Eucational Theater Assocation")

Christine Bellen's Batang Rizal

Sino nga ba ang maituturing nating bayani ngayon? Paano kaya nating huhubugin ang pagiging isang bayani sa panahong ito? Sinisikap ng dulang "Batang Rizal" ni Christine Belen na magbigay ng kasagutan sa mga katanungang ito, sa pamamagitan ng pagpapakita kung paano magkakakilala ang Batang Rizal, si Pepe at Pepito, isang magaaral na nasa-ikaanim na baitang sa mababang paaralan ng Rizal sa kasalakuyan, sa nakaraan. Ipinapakita sa dula ang buhay ni Rizal noong siya ay bata pa. Ang dula ay naglalayong ibahagi sa mga kabataang Pilipino ang mga mahahalagang usapin ukol sa pagiging bayani, at mga kaakibat ng pagiging bayani. Ang salitang bayani ay marahil malayo sa pagkakaintindi ng mga kabataan nabubuhay sa kasalukuyang lipunang bugbog sa realidad ng pandaraya, pangabuso at pagkukunwari na ipinapakita ng samu't - saring mamamayan at institusyong sosyal, lalong lalo na sa ating kommunidad o gobyerno. Una sa lahat, ang dulang ito ay karapat-dapt na panoorin ng mga kabataan upang malaman nila na ang bawat bata ay pwedeng maging isang bayani basta gumagawa sila ng kabutihan sa kanilamg mga simpleng gawain. Gawaing, maging ito'y maliit man or malaki, ang mga simpleng paggawa ng kabutihan ay isang malaking bagay na pagpapakitan ng kabayanihan. Matutununan din ng mga kabataan sa dulang ito na ang pagkabayani ng isang tao ay hindi nakikita sa mga bantayog, gamit or iba pa.

Naganap ang Batang Rizal sa panahon ng kanilang selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kultura sa mababang paaralan ng Rizal. Si Pepito ay naharap sa isang malaking problema - kailangan niyang makanap ng paraan upang mapalitan ang nasira niyang bantayog ng pambansang bayani, ang bantayog ni Dr. Jose Rizal. At sa tulong ng isang mahiwagang linro, si Pepito ay napunta sa nakaraan at doon niya nakilala ang Batang Rizal, si Pepe, sa Calamba, Laguna. Malinaw na nailarawan sa dulang ang mga tagpuan, may buhay ito. Mahalaga ang bawat tagpuan sa kwento, katulad ng sa Calamba, Laguna. Ang lugar na iyon ay mahalaga, upang ipakita kung paano pinalaki si Rizal. Ang Mababang Paaralan ng Rizal ay mahalaga rin, dahil pinapakita dito ang kahalagahan ng edukasyon.

Ang mga nagsiganap sa dulang ito ay pawang magagaling sa pag-arte, dahil mahirap gampanan ang paple ni Rizal noong siya ay bata pa, lalo na dahil mas maraming nasulat tungkol sa kanyang pagiging bayani. Pero nagawa ito ng mahusay ng aktor. Isa lang ang naging problema sa dula, at ito'y ay ang ginawang "puppet show" ni Pepito dahil habang ito ay kanyang ginagawa, may isang "shadow-play" sa gitna ng stage. Maganda iyong "shadow-play" upang mas lalong nilang maikuwento ulit ang "Ang Bujay ni Pagong at Matsing" pero ang ang mga attensyon nila ay nanakaw ng makulay na disenyo sa "puppet show."

Ang dulang "Batang Rizal" ay naging epektibong paraan upang maalala nating ang naging buhay ng ating pambansang bayani. Para sa akin ang dulang ito ay umaakit ng paniniwala't pagsang-ayon, dahil naniniwala ako na ang kabayanihan ay hindi makikita sa mga bantayog o anumang bagay, ito'y dapat lang isapuso. At, puwedeng maging isang bayani basta sila ay magandang asal, may pagmamahal sa bayan at gumagawa ng mga simpleng bagay na nakakatulong sa iba.

Nagbibigay ito ng kahalagahan ng kasimplehan at ipinapaalala sa atin na dapat nating ipagmalaki ang pagiging isang Pilipino. Informal ang naging istilo ng mga nagsiganap sa kanilang pagsasalitan, imbes na "formal" gaya ng lagi nating ginagamit kung ang paksa ay si "Rizal". Dahil sa paggamit nilang ng informal na istilo, mas madaming kabataan ang naeengayong manood ng dula. Kasi, nakakarelyt sila dito. Pawang orihinal at simple ang naging himing ng dulang ito. Bilang kabataan, naniniwala ako na ang dulang ito any makakatulong sa pagresolba ng mga problema o issues sa ating bayan sa pamamagitan ng pagtulong sa ating minamahal na bayan. Dapat nating tandaan na ang kabataan ang pagasa ng bayan. Ang ating mga pananaw at paguugali, ang magiging daan tungo sa isang tapat at naninindigang Pilipino upang maglaan ng pagibig sa ating bansa.
Justify Full

Wednesday, July 8, 2009 in , , ,

Filipino Debate: PAKSA: ANIM NA TAONG LANG ANG TERMINO NG ISANG PANGULO (Affirmative)

oI am just cleaning the files in my pc, when i saw one of my homeworks in my Filipino class, i think this was about 2 years ago..the teacher gave our group to debate about the term of the president....(6 years term)..i was tasked to debate in affirmative side, which means i am in favor of the 6 years term... it was bit hard to debate in Tagalog...i needed to translate the constitution and my debate as well from English to Tagalog..

here is my tagalog debate, i will post the english translation when i have time...

PAKSA: ANIM NA TAONG LANG ANG TERMINO NG ISANG PANGULO
(Affirmative)
Magandang Hapon sa ating lahat!!!
Malugod kong binabati ang lahat ng nandito. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ibinigay niyo upang ating mapag-usapan ang pagkakaroon ng anim na taong termino ng President ng Pilipinas.

Ako’y nakikiayon sa ating 1987 Constitution na ang termino ng pangulo ng Pilipinas ay anim na taong lamang dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
  • Una: Kapag ang ating pangulo ay may anim na taong termino mas magagawa niya ng mabuti ang kanyang mga tunkulin dahil magkakaroon siya ng sapat na panahong upang maisakatuparan ang mga programang nasa plataporma niya. Halimbawa: Binabalak ng Pangulo na magpatayo ng mga tulay at kalsada. Ang pagtatayo ng mga tulay at kalsada ay nangangailangnan ng ilang taon. Kung mahaba ang termino ng Pangulo, nakakasigurong matatapos ang mga imprastrakturang ito. Magkakaroon din siya ng sapat na panahon upang maisagawa ang mga batas na makakatalong sa mga programa na binabalak pa lamang at mga programang kasalukuyang ginagampanan. Halimbawa: Binabalak ng Pangulo na bignyang ng malaking pansin ang pambansang kalusugan. Kinakailangang may sapat na panahon upang mapagkasunduan ito ng kongreso at senado senado sa loob ng termino ng pangulo.
  • Pangalawa: mababawasan ang pabagobago ng mga opisyales na napasailalim sa pangulo kung ito’y manunungkulan ng anim na taon dahil tuloy-tuloy ang pakikitungo ng goberyo at ng mga mamayan. Kung ang ating pangulo ay magkakaroon ng anim na taong termino mababawasan ang kalituhan at problema dahil ito’y maayos na ng mga kaslukuyang opisyales. Sa pamamagitan ng pagkakaron ng ang ating pangulo ng 6 na taong termino, nakakatipid ang bansa sa mas bawas na botohan. Malimit mangyari ang paghihimpil o pagbabagal ng komersiyo tuwing may eleksiyon. Higit na tuluy-tuloy ang paglakas ng pangangalakal. Kung tuluy-tuloy ang komersiyo, mananatiling matatag ito, at makikinabang ang buong bansa.
  • Pangatlo: Sa pakikipagpanukala ng ating pangulo sa ibang bansa, higit na mapapabuti ang kaugnayan ng ating bansa sa kanila dahil mayroong personal na kaugnayan ang ating Pangulo at sa ibang bansa. , kabilang na dito ang pandaigdigang samahan.
Narito ang nakasaad sa ating konstitusyong magpapatibay na dapat ang isang pangulo ay manunungklulan ng anim na taon

Artikulo VII

SEKSYON 4. Ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ay dapat mahalal sa pamamagitan ng tuwirang boto ng sambayanan para sa taning na anim na taon na magsisimula sa katanghalian ng ikatatlumpung araw ng Hunyo na sumusunod sa araw ng halalan at magtatapos sa katanghalian ng gayon ding petsa pagkaraan ng anim na taon. Ang Pangulo ay hindi magiging karapat-dapat sa ano mang muling paghahalal. Ang sino mang tao na humalili bilang Pangulo at naglingkod nang gayon sa loob ng higit na apat na taon ay hindi dapat maging kwalipikado sa paghahalal sa katularing katungkulan sa alin mang panahon.