Friday, August 7, 2009 in , ,

Review: Christine Bellen's Batang Rizal (PETA)

On September 16, 2007.. Our Filipino teachers made us watch the play about the young Jose Rizal, and teacher made us passed a paper / review on the play.. I did not have time to post this then, because i did'nt have a blog yet, but i found some old papers from my previous classes that i want to share...This paper was passed when i was a second year political science student, i currently a fourth year political science...*I am not a good Tagalog speaker, but i tried my best to make the paper as scholarly as i could...lol..I never thought i could write some deep Filipino Tagalog words...

The Play was entitled "Batang Rizal" by Christine Bellen..The actors and actress that comprised of the play were from PETA (Philippine Eucational Theater Assocation")

Christine Bellen's Batang Rizal

Sino nga ba ang maituturing nating bayani ngayon? Paano kaya nating huhubugin ang pagiging isang bayani sa panahong ito? Sinisikap ng dulang "Batang Rizal" ni Christine Belen na magbigay ng kasagutan sa mga katanungang ito, sa pamamagitan ng pagpapakita kung paano magkakakilala ang Batang Rizal, si Pepe at Pepito, isang magaaral na nasa-ikaanim na baitang sa mababang paaralan ng Rizal sa kasalakuyan, sa nakaraan. Ipinapakita sa dula ang buhay ni Rizal noong siya ay bata pa. Ang dula ay naglalayong ibahagi sa mga kabataang Pilipino ang mga mahahalagang usapin ukol sa pagiging bayani, at mga kaakibat ng pagiging bayani. Ang salitang bayani ay marahil malayo sa pagkakaintindi ng mga kabataan nabubuhay sa kasalukuyang lipunang bugbog sa realidad ng pandaraya, pangabuso at pagkukunwari na ipinapakita ng samu't - saring mamamayan at institusyong sosyal, lalong lalo na sa ating kommunidad o gobyerno. Una sa lahat, ang dulang ito ay karapat-dapt na panoorin ng mga kabataan upang malaman nila na ang bawat bata ay pwedeng maging isang bayani basta gumagawa sila ng kabutihan sa kanilamg mga simpleng gawain. Gawaing, maging ito'y maliit man or malaki, ang mga simpleng paggawa ng kabutihan ay isang malaking bagay na pagpapakitan ng kabayanihan. Matutununan din ng mga kabataan sa dulang ito na ang pagkabayani ng isang tao ay hindi nakikita sa mga bantayog, gamit or iba pa.

Naganap ang Batang Rizal sa panahon ng kanilang selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kultura sa mababang paaralan ng Rizal. Si Pepito ay naharap sa isang malaking problema - kailangan niyang makanap ng paraan upang mapalitan ang nasira niyang bantayog ng pambansang bayani, ang bantayog ni Dr. Jose Rizal. At sa tulong ng isang mahiwagang linro, si Pepito ay napunta sa nakaraan at doon niya nakilala ang Batang Rizal, si Pepe, sa Calamba, Laguna. Malinaw na nailarawan sa dulang ang mga tagpuan, may buhay ito. Mahalaga ang bawat tagpuan sa kwento, katulad ng sa Calamba, Laguna. Ang lugar na iyon ay mahalaga, upang ipakita kung paano pinalaki si Rizal. Ang Mababang Paaralan ng Rizal ay mahalaga rin, dahil pinapakita dito ang kahalagahan ng edukasyon.

Ang mga nagsiganap sa dulang ito ay pawang magagaling sa pag-arte, dahil mahirap gampanan ang paple ni Rizal noong siya ay bata pa, lalo na dahil mas maraming nasulat tungkol sa kanyang pagiging bayani. Pero nagawa ito ng mahusay ng aktor. Isa lang ang naging problema sa dula, at ito'y ay ang ginawang "puppet show" ni Pepito dahil habang ito ay kanyang ginagawa, may isang "shadow-play" sa gitna ng stage. Maganda iyong "shadow-play" upang mas lalong nilang maikuwento ulit ang "Ang Bujay ni Pagong at Matsing" pero ang ang mga attensyon nila ay nanakaw ng makulay na disenyo sa "puppet show."

Ang dulang "Batang Rizal" ay naging epektibong paraan upang maalala nating ang naging buhay ng ating pambansang bayani. Para sa akin ang dulang ito ay umaakit ng paniniwala't pagsang-ayon, dahil naniniwala ako na ang kabayanihan ay hindi makikita sa mga bantayog o anumang bagay, ito'y dapat lang isapuso. At, puwedeng maging isang bayani basta sila ay magandang asal, may pagmamahal sa bayan at gumagawa ng mga simpleng bagay na nakakatulong sa iba.

Nagbibigay ito ng kahalagahan ng kasimplehan at ipinapaalala sa atin na dapat nating ipagmalaki ang pagiging isang Pilipino. Informal ang naging istilo ng mga nagsiganap sa kanilang pagsasalitan, imbes na "formal" gaya ng lagi nating ginagamit kung ang paksa ay si "Rizal". Dahil sa paggamit nilang ng informal na istilo, mas madaming kabataan ang naeengayong manood ng dula. Kasi, nakakarelyt sila dito. Pawang orihinal at simple ang naging himing ng dulang ito. Bilang kabataan, naniniwala ako na ang dulang ito any makakatulong sa pagresolba ng mga problema o issues sa ating bayan sa pamamagitan ng pagtulong sa ating minamahal na bayan. Dapat nating tandaan na ang kabataan ang pagasa ng bayan. Ang ating mga pananaw at paguugali, ang magiging daan tungo sa isang tapat at naninindigang Pilipino upang maglaan ng pagibig sa ating bansa.
Justify Full

Leave a Reply